top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maging praktikal tayo lalo na ngayong mahirap na ang buhay...Ilang points kung bakit mas better magb

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read

GIFT is good but cash is better!

Feel na feel na talaga ang Pasko, ‘yung tipong kahit saan tayo magpunta, may Christmas song tayong naririnig, kaliwa’t kanan na ang party — Christ­mas Party sa office, with friends at kahit sa bahay ninyo may Christ­mas Party pa rin, kalo­ka! Sa to­too lang, nakauubos na rin ng ideya, lalo na minsan hindi natin sure kung ano ang trip ng re­regaluhan natin, pa­­ano kaya kung cash na lang? Puwede! Na­rito ang ilang points para masabi nating mas okay ang cash kaysa sa regalo.

1. PRACTICALITY. Kung ang balak nating bigyan ay sina nanay, tatay, tito at tita o ‘yung mga kamag-anak natin na medyo adult na keri kung cash na lang. Mas okay ‘yun para may pandag­dag sila sa budget o iba pang gastusin ngayong Holiday Season.

2. HASSLE-FREE. Bes, ‘wag na nating pahirapan ang sarili natin, ‘yung tipong darayo pa tayo sa malalayong mall para lang mabili ‘yung limited editon na bag na nakasulat sa wishlist ng monito o monita natin. Well, cash na lang ang ibigay natin tapos siya na lang ang bumili, at least, walang hassle sa part natin. Okidoki?

3. LESS EFFORT. Imbes na dumag­dag pa tayo sa napakaraming tao sa mall at ma-badtrip sa super trapik, eh, ampao na lang na may cash ang ibigay natin sa mga reregaluhan natin. Tutal, mas oks ang cash kaysa wala, ‘di ba?

4. NO MORE COMPLICATION. Halimbawa nito sa pagbili ng mga damit o sapatos, lalo na kapag ang pagbibig­yan natin ay ‘yung inaanak natin na 2 years ago pa nu’ng huli natin siyang nakita. Siguro, mas better kung ika-cash na lang natin dahil mahirap na baka ibang size pa ang mabili natin, gets?

5. TIME FRIENDLY. Hindi talaga madali ang mamili kahit napakarami na ng pagpipilian natin ‘yung tipong kahit kabi-kabila ang tiangge, bazaar at iba pang tin­dahan, eh, napakahirap pa rin bumili. Besh, mahihilo muna tayo ng bongga bago maka­bili o makapili ng sweatshirt at pares ng sandals, kaloka, ‘di ba?

Sa totoo lang, masayang makatang­gap ng regalo ngayong Pasko, pero hindi ganu’n kadali mamili nito. Tandaan na lang natin na kahit ano pa ang ibigay nating regalo, ma­teryal man ‘yan o cash, ang mahalaga ay na­­isipan nating mag­bigay, ‘ika nga, mas okay nang nagbibi­gay kaysa sa binibigyan.

Make sure lang na ang pagbibigay natin ay kusa at hindi labag sa kagustu­han natin para happy-happy lang ang lahat. He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page