Lalaki dedo sa birthday party
- Pabs Hernandez III
- Dec 22, 2018
- 1 min read
CAMARINES SUR—Isang lalaki ang binaril at napatay ng hindi kilalang armadong salarin sa birthday party, kamakalawa sa bayan ng Camaligan sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Mike Mariano, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nasa birthday party si Mariano ay nilapitan ito ng suspek at agad binaril hanggang sa mapatay.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments