Kelot sinaksak sa leeg, tigok
TODAS ang isang 22-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa leeg at braso ng lalaking dati na niyang kaalitan sa Balut, Tondo, Manila.
Naisugod pa sa Tondo Medical Center si Robert Tiamzon habang nakatakas naman ang suspek na si Jovinel Arellano, 25, kapwa residente ng Tondo.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Roy Magsino, alas-12:10 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa isang eskinita sa San Roque St., Purok 2, Balut, Tondo.
Sinabi ni Rada Regular na naglalakad umano ang biktima kasama si Nikki Nicodemus, 26, sa lugar nang biglang sumulpot ang suspek at agad kinalawit ng saksak sa leeg ang biktima at sa braso.
Nang makitang sumisirit ang dugo sa leeg ng biktima ay agad itong tumakas.
Isinugod naman sa pagamutan ang biktima pero, hindi na rin ito naisalba.
Sa impormasyong nakuha, may matagal na umanong alitan ang suspek at biktima.





Comments