'Di insecure kay Catriona na bagong Miss U…HIRIT NI PIA: IBANG LEVEL NA 'KO NGAYON!
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 1 min read

PINAGKUKUMPARA ngayon ng ilang kababayan natin ang dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
Some say na insecure si Pia kay Catriona dahil nasasapawan na siya bilang Miss U.
Pero sa isang previous interview kay Pia ni Boy Abunda, diretsahang sinabi ng Miss U 2015 na nasasaktan siya sa mga akusasyong ayaw niyang manalo si Catriona para ‘di siya masapawan sa kanyang trono.
Sabi ni Pia, gandang-ganda siya kay Catriona at matalino rin daw ang naging pambato natin sa Miss Universe 2018.
Dagdag pa niya, “I would never wish misfortune on somebody else.”
Iba na raw ang focus at goals niya ngayon sa buhay kaya ‘wag na silang i-compare. Happy daw siya kung mananalo si Catriona, na nangyari nga.
Oo nga naman. Bakit kasi iniintriga pa sila, eh, pareho naman silang nagdala ng karangalan sa bansa at siyempre, iba nga naman na talaga ang level ni Pia ngayon, ‘no?!





Comments