8-anyos nalunod sa ilog, dedo
PATAY ang walong taong gulang na lalaki matapos malunod sa ilog sa bahagi ng Bgy. Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas.
Pasado ala-1:00 ng hapon, nagkayayaan ang magkakaibigan kasama ang biktimang si John Mark Mercader, estudyante, na magtungo sa ilog.
Sa kanilang paglalaro, nadulas ang biktima at bumulusok ang tubig.
Humingi ng tulong ang mga kasamahan nito upang masagip ang biktima subalit, matagal pa umano bago ito naiahon ng mga diver kung saan idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.





Comments