top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

7,8000 pulis todo-bantay ngayong kapaskuhan

  • Gina Pleñago
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

NASA “heightened alert status” ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila ngayong bakasyon para sa pagdiriwang ng Christmas Season.

Itinalaga sa Metro Manila ang nasa 7,800 na bilang ng kapulisan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at bantay-sarado ng buong puwersa ng NCRPO.

Kabilang din sa babatanyan ng NCRPO ang mga bibiyahe patungong probinsiya, mga magsa-shopping at maging ang mga maiiwan sa kanilang mga bahay ngayong bakasyon.

Ayon kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar, ang 7,800 kapulisan ay nakatalaga ngayon sa mga transportation hub, vital installation at shopping center.

Patuloy ang koordinasyon ng pulisya sa mga force multiplier tulad ng mga security guard sa mga subdivision, mga barangay tanod at volunteers para masiguro ang seguridad at maging mapayapa ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page