2 holdaper na tulak utas sa pulis
- Levi Gonzales
- Dec 22, 2018
- 1 min read
TODAS sa mga awtoridad ang dalawa umanong notoryus na holdaper at tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa Bgy. Uno, Calamba City, Laguna.
Alas-10:30 ng gabi nang ikinasa ang buy-bust operation laban sa dalawang suspek na sina Bernie Orsine alyas Totoy at Ace delos Santos.
Matapos ang kanilang transaksiyon, nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang ka-deal.
Agad umanong bumunot ng baril ang dalawa hanggang sa mauwi sa engkuwentro.
Duguang bumagsak ang mga suspek na agaran nilang ikinasawi dahil sa mga tinamong tama bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ang dalawa ang sinasabing kasama sa grupo ng Barok Fajardo Robbery Hold-up at bigtime drug pusher habang kilala rin sa pagiging karnaper ang mga ito.





Comments