Tiniyak ng DTI | PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS, ‘DI NA TATAAS
- Gina Pleñago
- Dec 21, 2018
- 1 min read

SINIGURO ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na inaasahang tataas pa ang presyo ng noche buena products.
Ayon kay Trade and Industry Usec. Ruth Castelo, stable na ang presyo ng noche buena items.
Nag-ikot ang DTI sa ilang supermarket at lumalabas na mayroong mga produkto na mas mababa pa ng P3 hanggang P5 sa itinakda nilang suggested retail price (SRP).
Posibleng ang kawalan ng paggalaw o posibilidad ng pagtaas ng mga produktong ito ay umabot pa hanggang sa pagtatapos ng 2018.
Payo naman ng opisyal sa mga mamimili, mas tipid ang pagbili ng ‘bundled products’ o ‘per set’ na mga sangkap lalo na sa paggawa ng salad o spaghetti.





Comments