Sa wakas, 'di na nakatiis… LOTLOT, NAGSALITA NA SA PANG-IISNAB NI NORA SA KASAL NIYA
- BULGAR

- Dec 21, 2018
- 3 min read

FINALLY ay binasag na ni Lotlot de Leon (now Mrs. Fadi El Soury) ang katahimikan hinggil sa kanyang adoptive mother na si Superstar Nora Aunor.
Four days matapos ang kanyang kasal na hindi sinipot ng kinikilalang ina, nagbuhos ng kanyang damdamin si Balot (tawag kay Lotlot) sa isang mahabang Instagram post yesterday.
Nag-upload si Balot ng old pictures nilang tatlo nina Ate Guy at Christopher de Leon kung saan ay makikitang karga-karga pa siya ng ina.
Sinimulan ni Balot ang caption by saying na pinag-isipan niya nang maraming beses kung dapat pa ba siyang magsalita hinggil sa sitwasyon nila ni Guy.
“Maraming beses ko pinag-isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayare sa amin ng mommy ko.
“Naisip ko na siguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina,” simula ni Balot.
Patuloy niya, “Maaga ko nalaman na ampon ako, ‘Ampon ni Nora’ ‘yan ang madalas ko naririnig noon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola.
“Sa mga hindi nakakaalam, ang tumanggap sa akin ay ang lola ko. Siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako nang buong puso.
“Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon. Ang mommy ko ang breadwinner sa pamilya nagsumikap na iahon lahat ng mahal niya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lagi siyang nagtatrabaho.”
At this point ay inilarawan ni Lotlot si Guy bilang ina.
“My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan n’ya.
Matibay s’ya. Kahit kailan hindi n’ya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan s’ya ng pag-asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan s’ya. She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya, mommy s’ya. She tried her best to do her duties as a present mom.
“Nu’ng nagkapamilya ako, tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripisyo na ginawa din n’ya.
Kaya lahat din ng kaya ko, ibinigay ko. Lagi n’yang bilin magmahalan kaming magkakapatid at ‘yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya. Hindi ko na idedetalye ang mga kaganapan sa buhay namin.”
Patuloy ni Balot, siyempre ay gusto niyang naroroon ang mga importanteng tao sa kanya sa mahahalagang okasyon sa buhay niya. At base sa post niya, mukhang wala naman siyang tampo sa ina sa hindi nito pagsipot sa kasal nila ni Fadi.
“Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalagang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay s’ya.
“May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko s’ya at alam ko mahal n’ya din ako, kami ng mga kapatid ko.
“At kahit ano pa sabihin ng kung sino, kami ang magkapamilya, kami ng mga kapatid ko at s’ya, at walang sino man ang makapagbabago du’n,” ang huling bahagi ng caption ni Lotlot.
Prior to this post ay hiwalay namang pinasalamatan ng aktres ang kanyang Daddy Christopher de Leon for being a part of her life and for always being there.
“I still remember clearly how you stood up there in the crowd watching me perform in preschool and I saw you and how I felt proud that my dad was there watching me.
“You never stopped loving and caring for me. You have always been there. Always. Everything that I am and hope to be is because of the love and lessons that I have learned from you.
“Growing up with you is one of the many things I will always be grateful for. You have taught me to believe in myself, you have encouraged me in ways you can’t imagine to do better and to be the best version of myself. Nobody has ever believed in me like you do. You have always been present in my life. Thank you dad. I love you!” ang pahayag ni Lotlot.
Si Boyet ay matatandaang dumalo sa kasal ni Balot held in Batangas, gayundin ang kanyang mga adoptive siblings na sina Ian, Matet, Kiko and Ken. Dumating din ang kanyang mga half-sisters na lumipad pa from U.S.A., na kamukha niya lahat, sa totoo lang.
Sa magkakahiwalay na posts ay pinasalamatan din ni Lotlot ang lahat ng kanyang mga kapatid, pati na rin ang mga anak na sina Janine, Jessica, Diego and Maxine.





Comments