top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Residential-commercial area nasunog, 3 tigok

Jeff Tumbado
Dec 21, 2018
1 min read

Malungkot na sasalubungin ang Pasko ng mga pamilya ng tatlong indibidwal na nasawi sa sunog na naganap sa isang residential-commercial area sa Novaliches, Quezon City.

Nagsimula ang pagliyab alas-2:54 ng madaling-araw ng Huwebes sa bahagi ng Damong Maliit, Bgy. Nagkaisang Nayon.

Nakilala ang mga biktima na sina Arcenia Amongo Ilalim, 82; Josie Camalig, 42, at isa pang nasa limang taong gulang.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog habang nasa kalagitnaan ng pagtulog ang mga biktima.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang fire out alas-4:34 ng umaga.

Tinupok ng apoy ang walong commercial establishments at 3 residential units at nadamay din ang isang sasakyang nakaparada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Quezon City Fire Department sa naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page