Pulis binentahan ng shabu, 2 tiklo
DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang 46-anyos na negosyante ang nasakote ng mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang mga naaresto na sina Conrado del Rosario alyas Pate, 26, pusher at Antolyn Lacerna, 46, businessman, kapwa ng Bgy. 64.
Ayon kay PO1 Juan Miguel Madlangbayan, alas-8:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa labas ng kanilang bahay.
Nagawang makabili ng isang plastic sachet ng shabu kay Del Rosario, ang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money.
Pagkatapos ng transaksiyon, sumugod na ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek at narekober sa mga ito ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.





Comments