Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG PAKASALAN NG KA-LIVE-IN SA SUSUNOD NA TAONG 2019
- BULGAR

- Dec 21, 2018
- 2 min read

KATANUNGAN
May live-in partner ako ngayon, pero may anak kaming babae na two years old. Nasabi ko na minsan sa ka-live-in ko na magpakasal na kami upang maiayos na ang birth certificate ng anak namin, pero hindi siya kumibo. Sabagay, sadyang hindi palakibo ang partner ko.
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung pakakasalan pa kaya ako ng ka-live-in-partner ko o habambuhay na lang kaming ganito, madagdagan nang madagdagan ang mga anak namin kahit hindi kami kasal?
KASAGUTAN
Pakakasalan ka ng ka-live-in mo, basta pilitin mo lang siya. Ito ang nais sabihin ng mahaba, makapal at kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na maaaring ang unang pag-ibig o seryoso at pangmatagalang relasyon ang siya mo na ring makatutuluyan at makakasama, habambuhay na kinumpirma ng zodiac sign mong Sagittarius at Leo naman ang ka-live-in mo.
Tanda na ayon sa Western Astrology at kinumpirma rin ng pang-estadistikang datos, ang Leo at Sagittarius ay palaging nagkakatuluyan at may pangako rin ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na samahan.
Ang pag-aanalisang magiging maligaya ang inyong pagsasama kasal man kayo o hindi ay madali ring kinumpirma at pinagtibay pang lalo ng maayos, walang bilog at hindi rin nalatid na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nakatutuwang mapansing nakatuntong pa sa Mount of Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Kaligayahan (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, ang nasabing pagsasama sa kasalukuyan, kasal man o hindi ay nakatakda nang mamunga ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Mayie, tulad ng nasabi na, kung pipilitin mo ang lalaking ka-live-in mo na magpakasal na kayo, sa dakong huli ang pasya at ang kakulitan mo ang mananaig kung saan sa susunod na taong 2019, sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa edad mong 32 pataas, magaganap ang simple, pero masayang kasalan na siya na ring magiging simula ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



Comments