top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-ina nalunod sa ilog, dedo

Jeff Tumbado
Dec 21, 2018
1 min read

Patay ang 34-anyos na ginang at kanyang 14 yrs. old na anak na babae makaraang malunod sa ilog sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, bumisita lamang si Malou Caloring, kanyang asawa at dalawang anak sa kanilang kaanak sa Bgy. E. Lopez upang magdiwang ng selebrasyon doon.

Naglalaba si Caloring sa Malisbog River nang mahulog sa tubig ang kanyang mga anak.

Nagawa pang masagip ni Caloring ang kanyang dalawang taong gulang na anak at tinangka nitong sagipin ang isa pa ngunit, nabigo ito at kapwa na silang nalunod.

Isinugod pa ang dalawa sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital ngunit, idineklara silang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page