Mag-asawa hinoldap, niratrat ng riding-in-trio
- Paul Lamsen
- Dec 21, 2018
- 1 min read
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang mag-asawang negosyante makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang holdaper kamakalawa ng gabi sa Lingayen, Pangasinan.
Nakilala ang mag-asawang biktima na sina ‘Armando’ at ‘Marieta’.
Ayon sa pulisya, nasa sasakyan ang mag-asawa at papauwi na galing sa bayan nang biglang harangin ng tatlong kalalakihan na mga armado.
Nagdeklara ng holdap ang mga salarin sabay hablot sa bag at kapkap sa bulsa ng mga biktima.
Matapos malimas ang mga alahas at pera, pinagbabaril pa ang mag-asawa bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.





Comments