Lumabag sa yellow lane, loading and unloading, traffic signs etc. — MMDA | 500,000 HULI SA ‘NO CONTA

MAHIGIT 500,000 motorista ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang ‘no contact apprehension policy’.
Sa datos ng ahensiya, sa pagtatapos ng Nobyembre, umabot sa 539,022 ang bilang ng mga lumabag na motorista.
Nangunguna ang mga lumabag sa yellow lane policy na umabot sa 289,154 na motorista o mahigit 50 percent sa kabuuang datos.
Pumangalawa naman ang bilang ng mga lumabag sa loading at unloading areas kung saan 85,838 mga motorista ang naitala.
Nasa ikatlong puwesto ang mga lumalabag sa traffic signs na umabot sa 42,277.





Comments