Hanggang sa January 2, 2019 | PROVINCIAL BUSES, WALANG CODING

SUSPENDIDO na mula ngayong araw ang pag-iral ng number coding para sa mga provincial bus.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaasahan na maraming mag-uuwian sa mga lalawigan para magdiwang ng kapasukan.
Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, simula ngayong araw hanggang sa January 2, 2019 suspendido na ang number coding para sa mga provincial bus.
Para naman sa mga pribadong sasakyan, suspendido na ang number coding mula December 24, 2018 hanggang January 2, 2019.





Comments