Estudyante nalunod sa falls
Pabs Hernandez III
Dec 21, 2018
1 min read
CAMARINES SUR—Isang estudyante ang namatay nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa Kinahulugan Falls sa Bgy. Kinahulugan, Lagonoy sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Ali Ebrahim, estudyante ng Batangas State University.
Nabatid na habang naliligo si Ebrahim, kasama ang kanyang mga kaklase ay napagawi ito sa malalim na bahagi ng falls kaya nalunod ang biktima.
Sinikap ng mga saksi na mailigtas si Ebrahim, pero bangkay na ito nang maiahon sa falls.





Comments