top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dagdag-multa sa illegal parking, bawas-pasaway sa kalsada!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2018
1 min read

KAMAKALAWA sana ang simula ng pagpapataw ng mas mataas na multa sa illegal parking pero, bi­nawi ito at gagawin na lamang sa Enero 7.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, inaayos pa nila ang gagamiting sistema para sa dag­dag na singil.

Pero, hindi porke next year pa ang pagtataas ng multa, eh, hindi na sila manghuhuli kaya wala pa ring kawala ang mga matitigas ang ulo r’yan!

Tuluy-tuloy pa rin, pero, ‘ika nga, discounted pa sila ngayon.

Kapag okay na ang system sa collections at ticketing, gagawin nang P1, 000 ang multa para sa illegal parking mula sa kasaluku­yang P200.

Magiging P2, 000 naman mula sa kasalukuyang P500 ang bayad para sa mga unattended vehicle.

Itinaas din ang multa sa traffic obstruction sa P1, 000 mula sa kasalu­kuyang P500.

Kaya sabay-sabay na ‘yan next year, dagdag-tax sa petrolyo, taas-singil sa tubig at mas mahal na multa sa illegal parking.

Siyempre, itong huli ay okay lang naman para mawala o mabawasan man lang ang mga kapalmuks.

Alam nang bawal, ginagawa pa rin, pwes, magmulta kayo ng isanlibo o dalawang libo!

Ewan lang natin kung hindi kayo manghinayang sa pera na pambayad sana ng tubig, nawala pa dahil sa katigasan ng ulo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page