Blind Item

BLIND ITEM:
KUNG may mga showbiz celebrities na namamarkahang kuripot at inuyat at tikom ang palad sa charity, wala na sigurong aagaw pa sa trono at korona ng tisoy at guwapong aktor.
Mula’t sapul ay hindi na likas sa aktor ang pagbibigay ng regalo sa sinuman kapag sumasapit ang Pasko. Maski ang mga kasambahay at production crew sa TV o pelikula ay hindi na umaasa pa na magse-share ng blessings ang sikat pa ring aktor.
Kahit pa nga mumurahing towel o t-shirt ay hirap siyang makapagregalo ‘pag Pasko, ganu’ng milyones ang kinikita niya sa pelikula at product endorsements. Isang malaking himala na kung kahit merienda ay makapanlibre siya.
At para makaiwas nga sa mga taong dapat niyang regaluhan ‘pag Pasko, taun-taon, kapag sumasapit na ang buwan ng Disyembre ay nag-a-abroad siya at babalik lang ng ‘Pinas kapag tapos na ang holiday season.
At napaka-wise pa sa buhay ng tisoy at guwapong aktor. Nasa holiday vacation na siya abroad, eh, tumatanggap pa ng mga shows at events para kumita nang malaki. Walang sinasayang na panahon si aktor.





Comments