top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Balik sa paggawa ng movie… BONG, NAKAPAGSULAT NG SCRIPT HABANG NAKAKULONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2018
  • 1 min read

BABALIK sa showbiz at ga­gawa ng mga pelikula si Bong Revilla, Jr. after ng May, 2019 elections. Ito ang paniniyak ni Mayor Lani Merca­do sa mga nag­tatanong na press people kung sasabak pa sa pag-aartista ang tinaguriang Agimat ng Masa na si dating Sen. Bong.

Sa panahon daw na nakaku­long si Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, nakapagsulat siya ng mga scripts na pampelikula. Kasama na rito ang Tres movie na pinagbidahan nina Jolo, Bryan at Luigi, ang tatlo niyang anak na lalaki.

Balak ding gawin ni Bong ang kanyang autobiography (libro) at malaking bahagi nito ang apat na taon ng pag­kakakulong niya sa Camp Crame.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page