After iwan ng basketbolistang balik sa misis… VICE, 2 AGAD ANG IPINALIT KAY CALVIN

DALAWANG Bengal cats na pinangalanang Naomi at Tyra (pangalan ng mga supermodels) ang bagong babies ni Vice Ganda.
Ipinakilala ni Vice sa mga socmed followers niya ang kanyang babies. Siya raw ang mommy nina Naomi at Tyra at nangakong mamahalin at aalagaan ang mamahaling breed ng cat.
Natuwa ang mga nagmamahal kay Vice na may bago siyang inaalagaan at minamahal. At least daw, makakalimutan na nito si Calvin Abueva.
In the news si Calvin ngayon dahil nakipagbalikan sa misis niyang si Salome Alejandra.
Payo ng mga supporters ni Vice, ‘wag na niyang isipin si Calvin at mag-focus siya kina Naomi at Tyra at sa promo ng MMFF entry na Fantastica lalo’t P1 billion ang target gross niya for the said movie.





Comments