6 yrs. old patay sa christmas party
ABOT-LANGIT ang hinagpis ng mga magulang ng isang 6-anyos na babae matapos itong malunod sa swimming pool sa General Santos City.
Nakilala ang biktima na si Trixia Amor Arendain.
Kritikal naman sa pagamutan ang 7-anyos na si Christ Jane Demate na muntikang malunod habang naliligo sa naturang pool.
Batay sa inisyal na ulat, kasama umano ang dalawang bata sa Christmas Party sa resort ng isang fishing company.
Posible umanong lumipat sa adult pool ang mga bata na may lalim na higit sa limang talampakan.
Unang nakita ang isang bata na tila humihingi ng saklolo.
“‘Yung lifeguard, may nakitang kamay ng bata na parang nag-struggle doon sa pang-adult na swimming pool, then agad na rescue ‘yung bata,” pahayag ni PO3 Nenet Cubin.
Gayunman, maya-maya pa, may mga magulang na nagsabing nawawala ang mga anak nila.
Isa sa mga swimmer ang nagsabi sa lifeguard na may natapakan silang kamay ng bata sa ilalim ng swimming pool.
“‘Yung lifeguard, agad sinisid ‘yung pool at doon nakita ‘yung bata. Pero may nagsabi na isa pang parent na missing pa ang isa niyang anak. So, ang ginawa ng lifeguard, sumisid siya at nakuha ‘yung isa pang bata,” ani PO3 Cubin.
Masama ang loob ng pamilya ng mga bata pero handa naman umanong tumulong sa kanila ang management ng resort.





Comments