‘Pinas wala na sa listahan ng “deadliest countries for media’

WALA na ang Pilipinas sa listahan ng Top 5 deadliest countries para sa mga media ngayong 2018.
Base sa annual report ng media freedom organization na Reporters Without Boarers, kabilang sa Top 5 ang Afghanistan, Syria, Mexico, India at America.
Wala na ang Pilipinas na dati ay nasa listahan ng mga pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.
Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, umaabot sa tatlo ang naitalang mamamahayag na napaslang ngayong taon kung saan kabilang dito sina Joey Llana ng DWZR Radio sa Albay noong July 20; Dennis Denora ng Trends and Times mula sa Panabo City noong June 7 at Edmund Sestoso ng DYGB sa Dumaguete noong May 1.
Sinabi ng kalihim na malaking tulong ang binuong Presidential Task Force on Media Security ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Administrative Order 1.





Comments