top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Van nahulog sa bangin, 2 patay

Levi Gonzales
Dec 20, 2018
1 min read

DALAWA ang iniulat na nasawi habang sampu ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyang van kung saan kargado ng mga sound system sa isang bangin sa National Road, Bgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, alas-5:53 ng umaga, binabagtas ng Isuzu van na minamaneho ni Rodrigo Gonzales, 58, may asawa, ng Molino, GMA, Cavite, nang mawalan ito ng kontrol.

Nagtuluy-tuloy itong nahulog sa bangin na ilang talampakan ang lalim at naipit ang mga sakay. Patay agad ang dalawang biktima na sina Esteven Mendoza at Earl Bonan.

Na-rescue naman ng iba’t ibang ahensiya ang sampu pang biktima na naipit sa van.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page