top of page
Pokwang.jpg

Sey ng experts...MGA TAONG SINUNGALING, MAS GUMAGANDA ANG BUHAY!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2018
2 min read

LAHAT tayo ay naka­gagawa ng pagkakamali sa buhay dahil walang perpekto sa mundo. ‘Yung iba, nagiging maramot, matapobre at mayroon ding sinungaling. But wait, there’s more! Alam ba ninyo na ang pagsisinu­nga­ling ay may mabuting epekto rin sa atin? Hala!

Mula noong bata pa tayo hanggang sa lumaki, alam na ng lahat na ma­sama ang pagsisinungaling, pero bilang tao hindi natin ‘yun maii­wasan lalo na kung ka­ilangan at maaaring mas makatu­long ito sa bagay na sino­solusyunan pa lang natin. Ang pagsisinungaling ay maaaring magdulot ng gulo, sakit, galit at marami pang iba.

Gayunman, ayon sa mga dalubhasa, bagama’t, masama ito sa paningin ng nakararami, may maganda pa rin itong maidudulot sa buhay ng tao.

In fact, ang pagsisinu­ngaling ay nakai-improve ng productivity lalo na kung may deadline tayo sa esku­wela o opisina na sinabi na­ting tapos na, pero ginagawa pa lang natin.

Sa ganitong paraan, mas lalo tayong ginaganahang tapusin ang gawain.

Gayundin, ito ay naka­bu-boost ng mood at mas nakagaganda ng relasyon. Marahil ay nagtataka kayo, pero ‘yun ang totoo. Min­san, may mga bagay na na­kapag­sisinungaling tayo sa ating mga mahal sa buhay nang sa gayun ay hindi sila ma­ngam­ba o masaktan lalo na kung usaping pera.

Samantala, nakatutulong din ang pagsisinungaling para mawala ang takot na ating nararamdaman kung saan sa sarili natin tayo nagsisi­nu­ngaling para magawa natin ang mga bagay na walang kasiguraduhan, pero kun­wari ay okay lang.

Maliban pa rito, sa mga taong kulang sa tiwala sa sa­rili riyan, knows ba ninyong ang pagsisinungaling ay nakabu-boost ng self-es­teem, ito ay dahil kapag gi­nagawa mo ito, mas nagi­ging confident ka dahil na­kasasabay ka sa iba at hindi nila alam kung ano ang totoo mong pagka­tao.

Oh, ayan, hindi na­tin hinihikayat na mag­sinu­ngaling palagi, ha? Pero, sa buhay, alam natin na kailangan din ng mga ganitong paraan upang mas mabilis nating ma­solusyunan ang mga ba­gay-bagay.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page