RADIAN TALISMAN, SHOW OFF, AT WHITE CHOCOLATE, LAMANG
- Green Lantern
- Dec 20, 2018
- 2 min read

BAGO ang lahat ay nais kong mag-congrats sa mga nanalo sa Winner Take All at Pick 6 noong Martes sa pakarera ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.
Ngayon naman ibabahagi ko sa inyo ang karerang magaganap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Tiyak na magiging madugo ang pagpili ng mga kalahok mula race 1 hanggang race 7, na panimula ng WTA event.
Sa Race1, napipisil ko ang Radian Talisman na entry ng N.O Morales stable at Show off ng J. A. Lapuz stable at Toscana ni F.P Maritela stable. Nakalalamang ang Storm Apo habang ang Princess Tin, Angel Brulay at Florida Blanca ang magsisilbing kalaban.
Sa umpisa ng pick 5 sa Race 3, ipinapatok ang White Chocolate na entry ni Patrick Uy at posibleng tumalo ang mga kalahok na Palos, Tunnel Vision at Just Imagine.
Pinapaboran sa Race 4 ang kalahok na L.A. Special at makakalaban ang Hardliner at Double Sunrise. Sa Race 5, may panalo ang Ahala, kontra sa mga kalaban na Bainbridge, Maincore Sunspots/Court of Justice, Boardwalk.
Binibigyan ng malaking panalo ang kalahok na Alfie at makakalaban ang Rochelle, Talilibanana at Tool of Choice sa Race 6. Tatlong kalahok ang nakikita kong maglalaban na pangungunahan ni Del Monte, Sunday Surprise at Brown Fortune sa Race 7.
Tip ni Mang Ding Race 1 – Radian Talisman (4) Show Off(5)
Race 2- Storn Apo (2) Princess Tin (7) Race 3- White Chocolate (3), Palos (9) Race 4- L. A. Special (5) Hardliner (4)
Race 5- Ahala (2) Bainbridge (3) Race 6- Alfie (4) Tool of Grace (6) Race 7- Del Monte (7) Sunday Surprise (6)
WTA (1-7) 4-5/2/3/5/2-3-5-10/4-6/7-6-4
PICK 6 (2-7) 2/3/5/2-3-5-10/4-6/7-6-4
PICK 5 (3-7) 3/5/2-3-5-10/4-6/7-6-4
PICK 4 (4-7) 5/2-3-5-10/4-6/7-6-4





Comments