top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Pinas, pasok sa "Best Countries for women" - WEF

Jeff Tumbado
Dec 20, 2018
1 min read

PUMUWESTO sa pangwalo ang Pilipinas sa listahan ng pinakamainam na bansa para sa mga kababaihan batay sa ulat ng World Eco­nomic Forum (WEF).

Sa latest Global Gender Gap Index report, nakakuha ng 7.99 na average score ang Pilipinas.

Sa datos ng WEF, na­nanatiling ang Iceland ang nasa unang puwesto na may index score na 8.58.

Ito na ang ikasampung sunod na taong nasa unang puwesto ang Iceland.

Nasa ikalawa, ikatlo at ikaapat na puwesto naman ang Norway, Sweden at Finland.

Ang Nicaragua na noong 2006 ay nasa pang-62 ay biglang umakyat sa pang-5.

Ang iba pang nasa Top 10 ay ang Rwanda, New Zealand, Ireland at Nambia.

Samantala, sampung ban­sa na maituturing na “Worst Countries for Wo­men” ang Yemen, Pakistan, Iraq, Syria, Chad, Democ­ratic Republic of Congo, Mali, Iran, Saudi Arabia at Lebanon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page