May-ari ng unibersidad na gustong magbukas ng kurso ng pag-aaral sa batas
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Ang aming pamilya ay ang may-ari ng unibersidad. Maaari ba kaming magbukas ng kurso sa pag-aaral ng batas? — Danny
Dear Danny,
Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Section 8 ng Republic Act (R.A.) No. 7662 o mas kilala bilang “Legal Education Reform Act of 1993”:
“Section 8. Accreditation of Law Schools. - Educational institutions may not operate a law school unless accredited by the Board. Accreditation of law schools may be granted only to educational institutions recognized by the Government.”
Malinaw sa nasabing batas na upang makapagbukas ng kurso sa pag-aaral ng batas, kinakailangang kilalanin muna ang mga institusyong pang-edukasyon tulad ng inyong unibersidad ng Legal Education Board at mabigyan ng akreditasyon na ang nasabing mga institusyon ay maaaring maging law schools
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments