top of page
Pokwang.jpg

Lalaki lasog sa tren

Mylene Alfonso
Dec 20, 2018
1 min read

NAGKALASU-LASOG ang katawan ng isang lalaki makaraang masagasaan ng tren habang papasok sa trabaho kahapon ng umaga sa Pandacan, Manila.

Kinilala ang biktima na si Remy Orlino, trabahador ng isang kilalang construction site sa pamamagitan ng identification card nito.

Batay sa ulat ng Manila Police District, alas-6:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa riles na malapit sa istasyon ng Philippine National Railways sa Pandacan.

Ayon kay P/Insp. Genesis Aliling, tumatawid ang biktima sa riles nang masagasaan ng tren na may body number 9 at galing ng Alabang patungong Divisoria.

Napansin umano ng mga residente sa lugar na tila tulala ang biktima habang tumatawid at hindi inalintana ang malakas na pagbusina ng paparating na tren sanhi upang masagasaan ito at madurog ang katawan.

Ayon naman kay PNR Spokesperson and Operations Manager Joseline Geronimo, hindi rin umano napansin ng operator ang biglang pagtawid ng biktima kaya hindi na nito nagawa pang makapagpreno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page