Kelot nasilaw sa flashlight | 2 TANOD TINADTAD
- Paul Lamsen
- Dec 20, 2018
- 1 min read
NASA kritikal na kalagayan ang dalawang tanod makaraang pagtatagain ng isang lalaki sa Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na sina Vicente Ragasa at Santos Cabarlo, kapwa may asawa.
Ayon sa imbestigasyon, bandang gabi nang magkaroon ng komosyon sa lugar na kinasasangkutan ng suspek na si alyas Renato, kaya tumawag ang mga residente ng tanod.
Nasilaw sa flashlight ang suspek na dala ng dalawang tanod kung saan pinagtataga ang mga ito na sana ay reresponde sa kaguluhan.





Comments