top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ibinulgar ni Digong | AMBUSH KAY LOOT, UTOS NI MAR

Mylene Alfonso
Dec 20, 2018
2 min read

IBINUNYAG ni Pangu­long Rodrigo Duterte na si dating senador at Liberal Party (LP) Presidential can­didate Mar Roxas umano ang nasa likod ng dalawang pa­nanambang sa kanyang da­ting police aide at ngayon ay Daanbantayan, Cebu Ma­yor Vicente Loot.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Pangu­long Duterte na hindi siya ang nag-utos na patayin si Loot kundi si Roxas.

Ayon kay Pangulong Duterte, nagalit umano si Roxas nang malamang sang­kot pala sa iligal na droga ang dating police general kaya ipinag-utos nitong patayin na lamang para hindi na siya mapahiya.

Matatandaang, noong May 13, tinambangan ang grupo ni Loot sa isang wharf sa Daanbantayan kung saan nasugatan ang kanyang bodyguard.

Si Loot ay kasama sa limang police generals na nasa narcolist ni Pangulong Duterte.

Kung isasalin ang bahagi ng talumpati ng pangulo, “Nasaan na ang mga pus­her? Nagsilabasan na noong panahon ko kasi pinagsa­bihan ko ang mga pulis. Buksan niyo ang records dahil gusto kong makita. O, tingnan niyo. Ilang generals ang na-involve? Pati si Loot at Garbo. Si Loot dalawang beses nang na-ambush, hindi mapatay-patay. Hindi ako ang nagpa-ambush, ha!? Si Roxas. ‘Yung order galing kay Roxas, hindi sa akin kasi sinabihan siya, ‘yang si Gar­bo mo, ang senior police aide mo ay nasa droga. Kaya nagalit si Roxas. So, naabu­tan ko ‘yan sa panahon ko. ‘Yan ‘yun. Psst, sabi ni Roxas ambushin daw si kuan. Sino pa ba ang mag-a-ambush sa isang police general?” ani Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, iginiit ng Malacañang na halata na­mang nagbibiro lamang si Pangulong Duterte maka­raang sabihin na utos ni Roxas ang nangyaring pa­nanambang.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, ang ginawa ni Pangulong Du­terte ay expression lamang ng sama ng loob o ‘displea­sure’ dahil sangkot sa iligal na droga ang dating aide ni Roxas na si Loot.

“Obviously PRRD was saying it in jest making it appear that he was telling his crowd in confidence with his Psst,” paglilinaw ni Pa­nelo.

“His pet peeve is Loot because of his involvement in drugs and he is known to be a protégé of Roxas,” ani Panelo kung saan nagtawa­nan pa umano ang audience ng pangulo kaugnay ng na­ging pahayag nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page