HOROSCOPE | DISYEMBRE 20, 2018 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 20, 2018 (Huwebes): Hindi ka mabibigo sa mga pangarap mo dahil lingid sa iyong kaalaman, gumagawa na ng paraan ang langit para matupad mo ang mga ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mo ang iyong kababaang-loob dahil ito ay isa sa mga susi upang lumigaya ka habang tinatamasa mo ang bunga ng iyong mga pinagsikapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-27-28-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagiging malakas na puwersa ang marami kapag nagsama-sama. Makibahagi ka sa iisang layunin at makikita mong mabilis at walang kahirap-hirap ninyong makukuha ang mga bagay na gusto ninyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-24-27-34.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong labanan ang kabagalan. Sa ganito, makikita mo ang mga bagay nang masinsinan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-7-11-18-23-42.
CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil patuloy kang pakikitaan ng langit ng magagandang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-24-27-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Naglalaban ang saya at lungkot sa iyong buhay. Masaya ang paligid mo, pero iba ang nararamdaman mo. Ang payo sa iyo ay mamahinga ka muna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-26-39-41-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na pagsisikap ang kailangan mo, huwag kang magpapatangay sa pagsasaya. Kung matatangay ka, manghihinayang ka sa magagandang bagay na dapat ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-24-27-31-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na pahahalagahan ng langit kung tamad ka o ayaw mong umunlad. Ibibilang ka pa rin Niya sa mga tatanggap ng biyaya at pagpapala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-26-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit na sino ay pasayahin mo. Kahit ang kinaiinisan mo, pasayahin mo dahil ang utos ng langit ay may kapalit na buwenas para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-13-29-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong sayangin ang iyong lakas sa mga walang kuwentang pagsasaya. Ang lakas ng tao ay dapat ginagamit sa paghahanda para sa kanyang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-27-33-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi totoo na sa malayo lang makukuha ang saya at ligaya. Sa ngayon, kahit hindi ka sumama sa pamamasyal, sa maniwala ka o hindi, pasasayahin ka ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-30-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakapagtataka ang kapalaran mo ngayon dahil ang ayaw mo ay ‘yun ang mapasasaiyo. Samantala, ang gusto mo ay mapupunta sa iba at siya ay magsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-28-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Para kanino ang huling halakhak? Kanino pa kundi para sa iyo. At ang dagdag na masayang balita ay nagsasabing, ang masasayang ngiti ay para rin sa iyo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-26-32-38-43.




Comments