top of page
Pokwang.jpg

Hirit kay P-Duterte | MAGTALAGA NG MUSLIM SA KORTE SUPREMA

Lourdes Abenales
Dec 20, 2018
1 min read

INIHAYAG ni Marawi Civic Leader at Peace-buil­der Samira Gutoc na pana­hon na para magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng ika­la­wang Mahistradong Muslim sa Korte Suprema.

“Panahon na upang mabigyan ng boses at re­presentasyon ang mga tubong Mindanao lalo na ang mga Muslim sa Kataas-taasang Hukuman ng ating bansa,” ani Gutoc.

“Napakahalaga na ang susunod na maitatalagang Mahistrado sa Korte Sup­rema ay mulat din sa mga isyung dinaranas ng mga Pilipinong Muslim at may dunong na nahasa sa de­kadang pakikipagtuos ng rehiyon sa mga sakuna at problema sa kapayapaan,” dagdag pa nito.

Sa kasaysayan ng Ka­taas-taasang Hukuman sa bansa, tanging si Abdulwa­hid Bidin ang nag-iisang Muslim na nakaupo sa natu­rang posisyon matapos si­yang italaga ni dating Pa­ngulong Corazon Aquino bilang Associate Justice noong 1987.

Umaasa naman si Gu­toc na si Marawi City-born Court of Appeals (CA) As­sociate Justice Japar Dima­ampao na ang susunod na magiging miyembro ng Korte Suprema kapalit ni Associate Justice Noel Ti­jam na magreretiro sa su­sunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page