Binatikos ng madlang pipol… SAGOT NI CATRIONA SA MISS U, ‘DI RAW MAKATOTOHANAN
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG marami ang pumupuri sa galing ni Catriona Gray sa katatapos lang na Miss Universe, mukhang hindi naman lahat ng Pinoy ay natuwa sa naging sagot ni Catriona sa final round question na, “What is the most important lesson you’ve learned in your life, and how would you apply it to your time as Miss Universe?”
Ang sagot dito ni Catriona, “I work a lot in the slums of Tondo, Manila, and the life there is very poor and very sad. I’ve always taught myself to look for the beauty in it, to look for the beauty in the faces of the children, and to be grateful. I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson. If I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their face. Thank you.”
Maraming Pinoy kasi ang nagsasabi na diumano, masyadong ‘privileged,’ ‘unrealistic’ at ‘problematic’ daw ang pananaw ni Catriona sa kahirapan sa Pilipinas.
May mga nagsasabi na imposible raw ang naging sagot ni Catriona dahil walang magandang bagay na makikita sa mga taong nagugutom at naghihirap sa bansa, at bukod sa paghanap ng magandang bagay sa kahirapan, mas mabuti raw kung magkakaroon ng aksiyon para rito.
Narito ang ilan sa mga naging comments ng mga netizens:
“Rampa ka muna d’yan Cat pero pag-uwi mo dapat more lubog sa masa at ‘di dapat natin niro-romanticize ang poverty, smiles in children’s faces despite of their situation? HOW ABOUT CHILDREN SMILING DAHIL MAAYOS ANG KANILANG PAMUMUHAY nakakapag-aral, nakakakain, may maayos na tirahan.” — (@rizzadivinee)
“Pagbalik ni Catriona, turuan natin sha na hindi enough makita ang “beauty in poverty and being grateful” kasi ang kailangan ng masa ay empowerment para makalaya sa kahirapan at pang-aabuso!! Nandu’n naman ‘yung drive niya pero dagdagan pa natin let’s go PHILIPPINES.” — millennial of manila (@MillennialOfMNL)
Dahil dito, hindi na rin nakapagpigil ang ibang celebrities na magsalita at ipagtanggol si Catriona sa mga bumabatikos sa kanyang sagot.
Isa sa mga nagbigay ng pahayag ay ang host na si Gretchen Ho at sinabing, “Daming hater Pwede bang hayaan niyo na lang maenjoy ng mga Pinoy itong moment na ito? #Negativity istaaaaahp it! Tao lang tayong lahat.”
‘Di rin nagpahuli sa pagsuporta ang singer na si Moira dela Torre at nag-iwan ng tweet na, “Luh sila kahit kay Catriona may nahahanap na i-hate I hope these “woke” people would stop using their being woke as permission to spread hate and unnecessary comments. To quote our Miss Universe, let’s stop fostering negativity!!!”





Comments