62 rebelde patay sa airstrike
62 Al-Shabab extremist rebels ang binawian ng buhay matapos maglunsad ng anim na airstrike ang militar ng Estados Unidos sa Gandarshe area, Mogandishu, Somalia.
Ayon sa awtoridad, walang naitalang sugatan at nasawing sibilyan sa pag-atake.
Bagama’t, layon umano ng airstrike na pigilan ang mga rebelde sa paggamit ng remote areas bilang kanilang kuta, nilinaw ng US Military na alam ng pamahalaan ng Somalia ang paglunsad ng airstrikes.
46 airstrikes na ang nailunsad ng Amerika laban sa Al-Shabab ngayong taon.





Comments