Tiniyak ng Palasyo | ‘MARIJUANA MEDICAL LAW’, PIPIRMAHAN AGAD NI DIGONG
- Mylene Alfonso
- Dec 19, 2018
- 1 min read

TINIYAK ng Palasyo na pipirmahan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang panukalang-batas na magsusulong na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa medikal na aspeto.
Ikinatwiran ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw ang polisiya ng pangulo na pabor ito na gamitin ang marijuana para sa pagpapagamot ng sakit at hindi para sa recreation o bisyo.
Kailangan umanong suportahan ng pangulo ang mga panukalang-batas na sang-ayon sa kanyang mga paniniwala.
“Since the president already made a statement that he’s in favor of limited use of marijuana, logically then he will support and sign any bill that would be consistent with his stand”, paliwanag ng kalihim.
Matatandaang, maging si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay pabor na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong gamot para sa mga may sakit.





Comments