Presyo ng shabu sa Metro Manila, tumaas —PDEA
- Jeff Tumbado
- Dec 19, 2018
- 1 min read
NAGMAHAL na umano ang kada gramo ng shabu sa National Capital Region (NCR) sa mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula sa dating P1,400 kada gramo ay pumapalo na ngayon sa P4,000 ang bentahan sa kalsada.
Gayunman, nilinaw ni Carreon na ang pagtaas sa presyo ng shabu ay hindi nangangahulugan na naging limitado na ang suplay ng droga.
Ipinunto nito na maaaring dumami na rin ang sindikato na naglalabas ng suplay tulad sa pagpasok ng Golden Triad bukod pa sa mga organisasyon na binubuo ng ilang Chinese, African at Mexican.
Batay sa tala ng Philippine National Police at PDEA, umaabot na sa P25.19 bilyon ang halaga ng iligal na droga na kanilang nasamsam mula noong Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 30, 2018.
Sa nasabing halaga, P18.43 bilyon ay shabu.
Nasa 5,050 drug suspects na rin ang napapatay sa mga inilulunsad na anti-drug operations ng pulisya.





Comments