Pasahero dedbol sa trak
PANGASINAN—Isang pasahero na nakasabit sa likuran ng pampasaherong jeep ang namatay nang aksidenteng mabangga ito ng trak, kamakalawa sa national highway ng Bolinao sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Adnerio Manuel, Jr., residente ng Bgy. Tuge Grande, Bani sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nakasabit si Manuel sa likuran ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Melanio Bermudez ay aksidente itong nabangga ng trak na minamaneho naman ni Danilo Espinosa.
Dinala ng mga saksi si Manuel sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng trak.





Comments