Lalaki nagpaputok ng baril sa kasalan, bisita sapol
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang bisita sa kasalan matapos tamaan ng bala sa Sitio Tabas, Bgy. San Jose Anyao, Catanauan, Quezon.
Alas-11:30 ng umaga, habang paparating ang ikinasal sa lugar nang magpaputok ng baril ang suspek na si Noli Castañeda, 44, may asawa, nang aksidente nitong tamaan sa kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si Andy Rebullo, 47, may asawa.
Dali-dali itong isinugod sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay habang tumakas naman ang suspek.





Comments