top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit may kaso | JINGGOY, PINAYAGANG MAG-ABROAD ULIT

  • Vyne Reyes
  • Dec 19, 2018
  • 1 min read

MULING pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng bansa sa gitna ng kinahaharap nitong kaso kaugnay sa pork barrel fund scam.

Sa resolusyong ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division, binigyan nito ng pahintulot si Estrada na bumiyahe mula Disyembre 26 hanggang 31.

Ikinatwiran ng Anti-Graft Court na kahit isang akusado, karapatan pa rin ni Estrada na bumiyahe lalo na’t napayagan na rin noon ang dating senador na makapag-abroad.

Aabot sa P2.6 milyong travel bond ang inilagak ni Estrada sa kanyang mga naunang biyahe at hindi muna kinuha kaya maaari niyang magamit sa pagkakataong ito.

Kailangan lamang na magtungo sa Sandiganbayan si Estrada sa loob ng limang araw matapos niyang bumalik ng bansa para maipakita ang pasaporte.

Sa Hong Kong lang at wala ng ibang dapat na puntahan si Estrada.

Sa kanyang mosyon, idinahilan ni Estrada na kasama nito ang kanyang pamilya sa biyahe upang makapagdiwang ng holidays at magkaroon ng sapat na oras na makapagpahinga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page