Helmet ‘di suot | RIDER BUMANGGA SA CONCRETE BARRIER, DEDBOL
TIGOK ang isang lalaki makaraang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang kongkretong harang sa Quezon City, kahapon ng tanghali.
Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na inilarawan lang na nakasuot ng itim na jacket, dirty white shorts at tsinelas.
Batay sa ulat ng Traffic Division ng Quezon City Police District, pasado alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Camachile flyover sa Bgy. Balumbato, Quezon City.
Lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo patungong Quirino Highway nang bigla na lang itong mabangga sa isang concrete barrier sa lugar.
Hinala ng mga awtoridad, mabilis ang takbo ng biktima kaya nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo na naging sanhi ng aksidente.
Sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro ang biktima.
Ayon sa mga rumespondeng rescue team, napuruhan sa ulo ang biktima dahil sa halip na isuot ang helmet sa ulo ay isinabit lang umano ito sa sinasakyang motor.





Comments