top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Digong sa Sayyaf: usap tayo

Mylene Alfonso
Dec 19, 2018
1 min read

HINDI pa rin isina­san­tabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng ne­gosasyon sa pagitan ng gob­yerno at Abu Sayyaf Group upang matigil na ang kara­hasan sa Mindanao.

“Kung maghinto sila, I’m willing to go there, kung ano ‘yung lugar nila, mag-usap tayo,” pahayag ng pa­ngulo kasabay ng paniba­gong dibisyon ng mga sundalo ng 11th Infantry Division sa Jolo, Sulu.

Binigyang-diin ng com­mander-in-chief na nanghi­hinayang siya sa mga nasa­sayang na buhay ng kanyang sundalo dahil sa patuloy na pakikipagbakbakan sa bandidong grupo.

“I cannot allow my sol­diers na ako ang comman­der-in-chief na namamatay, ina-ambush, and this has been going on for the last so many years. Sayang talaga ang buhay, napakasayang ng bala na puwede ko naman ipagbili o ipangtayo ng ba­hay,” ani P-Duterte.

Ipinaliwanag pa ng pa­ngulo na kung hihinto sa opensiba ang Abu Sayyaf, handa itong pumasok sa lugar ng mga bandido para kausapin ang grupo.

Kumbinsido rin si P-Du­terte na kailangan lamang na magkaroon ng sapat na edu­kasyon ang mga miyembro ng bandidong grupo upang mapagtanto nito ang re­yalidad ng buhay na dapat nilang tinatamasa ngayon.

“What is really lacking, edukasyon ng mga Moro. For unless and until the Moro is educated in the pro­per way, to live in a world that we live, and to come to terms, kung ano ang reyali­dad dito sa buhay natin ngayon. Then maybe, may­be, with the mercy of Allah, ma­kukuha natin,” dagdag pa ng pa­ngulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page