Binatilyong dehins knows kung ano ang ireregalo sa crush ngayong pasko
- ROMA AMOR
- Dec 19, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Karl, 18 years old. Sa ngayon ay may nagugustuhan ako sa school namin, kaya namumroblema ako kung ano ang ireregalo ko sa kanya sa Christmas Party. Sa totoo lang, first time ko lang magreregalo sa babae, hindi rin naman ako makahingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan ko dahil baka asarin nila ako. Ano kaya ang dapat kong iregalo sa kanya? Sana, matulungan ninyo ako. Salamat! — Karl
Karl,
Alam mo, iho, idepende mo ‘yung ireregalo mo sa halaga ng pera na mayroon ka ngayon. Kung mayaman ka naman, bumili ka ng regalo na alam mong mapakikinabangan niya. Kung wala ka namang pera ngayon, kahit ‘yung bagay na lang na bukal sa iyong puso. Ang mahalaga, eh, ‘yung mapasaya mo siya sa araw ng Pasko. Kaya mo ‘yan, bro! Good luck at God bless!





Comments