Bagong Miss U, 'di raw mayabang, friendly pa sa lahat… PIA, LAOS NA DAHIL KAY CATRIONA
- BULGAR

- Dec 19, 2018
- 1 min read

OVERWHELMING at mistulang fiesta sa buong ‘Pinas noong Lunes matapos masungkit ni Catriona Gray ang korona bilang pang-apat na Pinay Miss Universe. Lahat ay masaya at proud na proud na may isa na namang Pilipino na nagbigay ng malaking karangalan sa ating bansa.
Pansamantalang nakalimutan ng mga Pinoy ang problema sa traffic, droga, mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho at kahirapan.
Ipinagbubunyi ng lahat ang tagumpay ng isang Pinay na tubong-Oas, Albay ang ina.
Marami ang nagkukumpara sa katangian nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong world-class beauty queens. Marami ang nagsasabing mas malakas ang karisma ni Catriona kumpara kay Pia. Mas friendly daw kasi ito at laging nakangiti sa lahat.
Napaka-down-to-earth din nito at bahagi ng malalaking foundation na tumutulong magpaaral sa mga batang mahihirap sa Tondo. At mukhang likas na matalino at hindi scripted ang mga sagot niya sa Q&A portion ng Miss Universe pageant.
Sey pa ng ilang gay beauty pageant fanatics, mas mukhang mabait at approachable si Catriona kumpara kay Pia na lagi na lang umiiwas sa media kaya disappointed ang ibang press people na gusto siyang ma-interview noon.
Well, ngayong tapos na ang era ni Pia Wurtzbach as Miss Universe, for sure, ang mga malalaking product endorsements niya ay mapupunta nang lahat sa bagong Miss Universe 2018 na si Catriona Gray!





Comments