Super sonic, nagkampeon sa philracom chairman's cup

ITINANGHAL na kampeon sa nakaraang 2018 Philracom Chairman’s Cup ang mananakbong Super Sonic makaraang pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite nitong Linggo ng hapon.
Hindi nabigo ang “Bayang Karerista” sa pagpili sa kanilang tatayaan dahil ipinakita nito ang lakas sa laban sa katunggali na Box Office. Ang Super Sonic ay hinog na sa laban at tama ang hinete na ibinigay sa kanya dahil magkasundo ang dalawa pagdating ng lutsahan.
Ang Super Sonic ay naorasan ng 2 minuto at apat na segundo sa patnubay ni Jockey JB Guce at inihahanda pa ang malaking pakarerang darating sa 2019. Sa kabilang dako, ipinakita rin ang galing ng Pride of Laguna sa mga imported horses dahil sa pagkakapanalo nito sa karera nitong nakaraang Linggo sa 3rd Leg 3 Year Old Open Challenge Race.
Walang nagawa ang kalaban na Viva Morena sa lakas ng Pride of Laguna, na naorasan din ng 2 minuto at apat na segundo sa distansiyang 2,000 meters.
May aabangan ang Bayang Karerista sa muling paglahok ng dalawang kabayo na nagpakita kung paano magdomina ng laban.
Samantala, sa karerang magaganap ngayon sa San Lazaro Leisure Park may ilang kalahok ang magbibigay ng magandang dividendo gaya sa Race 1 na nariyan ang Just Mark It, WooLooMooLoo.
Asahan na may panalo ang Wiling Willie/Born Unto Battle, Eugene’s Fly Away sa Race 3.
Sa mga kalahok ang Entry No.2 sa Race 4 ang masasabi kong patok habang sa Race 5 dalawang kalahok ang tiyak na maglalaban, ito’y ang Entry No 2 at Entry No. 6 Masasabi ko ang kalahok na Moon Fire at Miko na Nga ang maglalaban sa unahan
Habang sa Race 7 Pax Britannica ang pinapaboran ko sa mga kalahok. Tip ni Mang Ding - Race 1- Just Mark It (8) Entry No 1 Race 2- Wooloomooloo(1), Backdoor Cover Race 3- Entry No. 5, Eugene’s Fly Away (6) Entry No. 7 Race 4- Entry No.2, Pendant (7) Race 5- Entry No. 6, Entry No. 2 Case Bell (1) Race 6- Moon Fire (3) Miko Na Nga (4) Race 7- Pax Britannica, Guaanta Na Mera (7) WTA (1-7) 8/1-3/5-6-7/2/2-6/3-4/4-7
PICK 6 (2-7)1-3/5-6-7/2/2-6/3-4/4-7
PICK 5 (3-7) 5-6-7/2/2-6/3-4/4-7
PICK 4 (4-7) 2/2-6/3-4/ 4-7





Comments