Rollback sa gas non-stop

NAG-ANUNSIYO ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa mga kanilang petrolyo ngayong araw.
Maglalaro mula P0.10 sa kada litro ng gasolina ang ibabawas.
Mayroon namang hanggang P0.25 ang ibabawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ang panibagong rollback ay kaugnay pa rin ng pagbaba sa presyo ng petroleum products sa world market.
Noong nakalipas na weekend, nagbaba na rin ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang SeaOil, Phoenix Petroleum at Pilipinas Shell.
Nauna nang sinabi ng ilang insider sa oil industry na posible pang masundan ang price rollback sa mga susunod na linggo.





Comments