Lider ng gun-for-hire, arestado
TIMBOG ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang notoryus na lider ng gun-for-hire syndicate na sangkot sa iba’t ibang krimen sa isinagawang operasyon kamakailan sa Upper Bataan, Bgy. Balon, Anito, Mariveles, Bataan. Ipinrisinta ni NBI Director Dante Gierran sa mga mamamahayag ang suspek na si Ricardo Linsangan Peralta.
Ang suspek ay may standing warrant of arrest sa Manila RTC Branch 8, Sto. Domingo, Nueva Ecija RTC Branch 88, Malolos, Bulacan RTC Branch 83 para sa kasong murder, kidnap-for- ransom, carnapping at attempted homicide.
Ayon sa NBI, sentro ng operasyon ng suspek ang Central at Northern Luzon.
May nakapagbigay ng impormasyon na malimit umanong nakikita sa Mariveles ang suspek at palipat-lipat din umano ito ng lugar para maiwasan ang pag-aresto ng mga awtoridad.
Dahil dito, nagsagawa ng surveillance ang NBI at nang makumpirma ang kinaroroonan ng suspek ay agad nagsagawa ng operasyon dahilan para ito ay maaresto.





Comments