top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ng Pinay Miss Universe | MARIJUANA GAWING LEGAL, BILANG GAMOT

  • Mylene Alfonso
  • Dec 18, 2018
  • 1 min read

NANINIWALA ang Malacañang na naging ma­laki ang impluwensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte para pa­boran ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na gawing legal ang marijuana para sa medical use.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo, ang posisyon ni Gray ay adop­tion ng paninindigan ni Pangulong Duterte.

Sa question and answer portion sa Miss Universe Pageant, tinanong si Gray kung ano ang posisyon nito sa paggamit sa marijuana.

Ayon kay Gray, pabor siya na gamitin ang marijuana sa medical use subalit, hindi para sa recreation o gawing bisyo.

Ani Panelo, maaaring ki­natigan din ni Gray ang po­sisyon ng pangulo matapos magsagawa ng sariling pag-aaral tungkol sa paggamit ng marijuana.

Samantala, nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pagkapanalo ni Gray bilang 2018 Miss Universe sa kata­tapos na beauty pageant sa Bangkok, Thailand.

Ipinakita umano nit Gray ang totoong kalidad ng Filipina beauty na kinabi­bi­langan ng confidence, grace, intelligence at katapangan na harapin ang anumang uri ng pagsubok sa buhay.

Magsisilbing inspiras­yon umano ang panalo ni Gray sa mga Pinay para ma­niwala sa kanilang sarili at ipaglaban ang kanilang lugar sa buong daigdig.

Inihayag pa ni Panelo na dahil sa panalo ni Catriona, nailagay na naman sa world map ang Pilipinas bilang ban­sa ng aniya’y ‘beauty and ele­gance’ na katumbas o tu­lad ng mga nagga­gandahan at kahanga-hangang isla sa ating bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page