top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hanapbuhay para sa mga Aeta at katutubong Badjao, ang dapat na ibigay na pamasko ni P-Duterte!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2018
  • 1 min read

MATATANDAANG, ipinagbawal ang panghihingi ng limos ngayong kapas­kuhan dahil sa pinaiigting na Anti-Men­dicancy Law ng mga kapulisan.

Gayunman, kasunod nito ay nagsa­gawa ng Christmas Party ang Quezon City Police District sa pangunguna ni QCPD Dir. Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr. para sa mga nasagip nila na umabot sa 199 na mga katutubo na binubuo ng 115 Aetas at 84 na mga Badjao na na­tutulog sa mga lansangan at namamali­mos.

Ginanap ang salu-salo o District Di­rector’s Gift Giving at Feeding Program sa Camp Karingal, Quezon City.

Layon ng proyektong ito na matulu­ngan ang mga Indigenous People at ang mga mahihirap na residente ng lungsod.

Gayunman, ang mga nasagip na mga pamilya ay dadalhin sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong pagkatapos ng proyekto ng QCPD habang ang iba naman ay ihahatid mismo pabalik sa lugar kung saan sila nanggaling at na­ninirahan.

Sa ngayon ay dumagsa ang mga katu­tubo sa lansangan ng Metro Manila para mamalimos lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.

Nakatutuwa dahil kahit papaano ay naranasan ng mga katutubo na maka­dalo sa ganitong pagdiriwang na naka­pag­bigay sa kanila ng tulong at kaliga­yahan.

Samantala, ang panawagan natin sa pamahalaan, sana, pagkatapos nilang ma­kabalik sa kanilang mga pinanggali­ngan ay magkaroon din sila ng kaka­yahan at oportunidad na hanapbuhay nang sa gayun ay hindi na nila kakaila­nganin pang lumuwas ng Maynila para lamang mamalimos sa lansangan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page