40 PTS. NI WALL NG WIZARDS NAGPATUMBA KAY LEBRON


HUMALIBAS si John Wall ng season-high 40 points at 14 assists nang itumba ng Washington Wizards ang bisitang Los Angeles Lakers 128-110 sa NBA game kahapon at napigilan ang apat na sunud-sunod na pagkatalo.
Nakagawa si Wall ng 16 na mula rito ay tres puntos. May 25 puntos naman si Bradley Beal at 12 rebounds para sa Wizards habang si Jeff Green at Sam Dekker ay umiskor ng 20 puntos.
Nakapuntos si Kentavious Caldwell-Pope ng 25 para sa Lakers na nakapagwagi ng tatlo sa apat na laro at dumagdag si Kyle Kuzma ng 20. Si LeBron James ay may 13 points, pinakamatipid niyang iskor laban sa Washington na 5-of-16 shooting lamang sa loob ng 32 minuto. Umubos ng 22 turnovers ang Lakers.
Pumukol si Jamal Murray ng 15 sa kanyang 19 points sa fourth quarter nang gitlain ng Denver Nuggets ang Toronto Raptors 95-86. Tumapos si Nikola Jokic ng 26 points at 9 rebounds sa Denver na nagwagi sa matchup ng conference leaders. Si Kawhi Leonard ay may game-high 29 points at dumagdag ng 14 rebounds, umiskor si Delon Wright ng 15 at may 14 si Serge Ibaka sa kinapos na team ng Toronto.
Naglaro ang Raptors nang wala ang apat na rotation players at 10 lamang sila. Si Guards Kyle Lowry ay may bugbog sa hita, si Fred VanVleet ay namamaga ang likod, si forward Pascal Siakam ay masakit din ang likod at si center Jose Valanciunas ay nabalian ng kanang hinlalaki. Umiskor ang Toronto ng 14 points sa 4th quarter.
Sa iba pang laban, tinusta ng Miami Heat ang New Orleans Pelicans, 102-96; tinambakan ng Brooklyn Nets ang Atlanta Hawks, 144-127; hindi nakaporma ang Cleveland Cavaliers sa Philadelphia 76ers, 128-105; nanaig naman ang Indiana Pacers sa New York Knicks, 110-99; ginapi ng Sacramento Kings ang Dallas Mavericks, 120-113. (MC)





Comments